Search This Blog

Saturday, October 8, 2011

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang.

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE. 
“Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay.”
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
“Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”
3. Kay Inay ako natuto ng LOGIC.“Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”
4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
“Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng
sine.”
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.
“Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM. 
“Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!”
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
“Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!”
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
“Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
“Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito.”
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION. 
“Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!”
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
“Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!”
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY. “Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”
13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
“Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING. 
“Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”
15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR. 
“Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!”
16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE. 
“Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!”

Ang mga lalaki.

1. Moody, pero hindi pinapahalata, kasi ayaw namin na maging malungkot pa ang ibang tao sa paligid namin dahil sa kalungkutan namin.
2. Ayaw namin ng nanlalambing, hindi dahil sa tinatamad kami o may nagugustuhan kaming iba, dahil alam naming masama kapag napasobra kami, masyado kayong kumukulit lalo.
3. Sinungaling. Oo sabihin na nilang kami ang pinakamasamang uri ng tao sa mundo pero ginagawa lang naman namin ang pagsisinungaling na ito para maiwasan na masaktan ang inyong mga damdamin. Kung minsan, hindi na lang namin pinapansin kung ano ang nakita namin, para wala ng masyadong usap.
4. Kawawa lalo na sa text lalo na kapag may ginawa daw kaming mali kahit hindi naman namin alam. Dapat kasi, intindihin din sana ang side ng mga lalaki.
5. Mas seloso kami. Natural makikipag-usap kami sa ibang babae, hindi maiiwasan ‘yon. Ang hindi lang alam ng mga babae, kapag may kausap na iba ang mga girlfriend nila, kahit ba babae din ‘yon ay nagseselos rin ang mga lalaki. Babae lang ba may karapatan magselos? Selfish din kami. Hindi lang siguro natural na showy o masalita ang lalaki sa ganyang bagay.
6. Hindi magaling magtago ang mga lalaki. Kung magaling, e bakit nakakapagbigay kayo ng pagseselos? Ibig sabihin may hint na lumabas. Oo sabihin na nating ang puso ninyo ay sa amin lang kahit makakita kayo ng 1M na mas gwapong lalaki, may chance pa rin na sa 1M na ‘yon, may isa din dun na mapupukaw ang atensyon mo. Magaling lang kayo magtago.
7. Pinagmamalaki namin ang mga babae sa buhay namin sa harap ng maraming tao kasi ‘yon ang gusto nila, e. Sunud-sunuran lang kami, wag lang magkaroon ng away. Kung kami tatanungin, mas gusto namin na ipagmalaki sila ng hindi nila alam — di dahil gusto namin manglandi ng iba. Gusto namin i-preserve ang babaeng iyon para lang sa amin.
8. Ayaw namin sa mga nililigawan namin ng ubod ng tagal. Nagmumukhang paasa. Pero sa totoo naman paasa lang naman talaga silang lahat sa umpisa. Gusto kasi nila may marinig muna bago kami kilalanin.
9. Kapag maingay kami, sumabay kayo. Gusto namin ng masayang buhay, at ang pagtawa man minsan ay nagsisilbing panandaliang paglimot sa aming mga problema. Gusto namin sa hirap at ginhawa nandiyan ang mga babae, kailangan man ng yakap o ano, basta ang gusto namin kasama lang sila. Tapos.
10. Gustong gusto namin ‘yung mga babaeng malaki ang respeto sa amin, at sa paraang iyon ay rerespetuhin din naman namin sila at ibibigay ‘yung kiss on the forehead na gustong-gusto nila. Tandaan ninyo sanang kung makakagawa man kami ng kaimoralidad sa inyo, siguro dahil nagbibigay kayo ng pagpayag na gawin namin iyon, direct or indirect man.
11. Ang nagpapa-turn on samin ay ‘yung babaeng kayang tumayo sa sarili nilang paa. Ayaw namin ng mga pa-baby effect kasi nakakainis. Ang gusto namin ay ‘yung makakasama sa paglalakbay, hindi ‘yung kailangan mula simula kami ang aalalay.
12. Ayaw namin sa mga babaeng pakipot sa text. Kung mahal ninyo kami, sabihin ninyo. Nakakainis. Para bang alipin ang tingin sa amin — ‘yon pa naman ang ayaw namin.
13. Sobra kaming natutuwa sa mga babaeng nag-eeffort din: kasi nakikita naming naaappreciate lalo ng mga babaeng ganoon ang effort na ginagawa namin para sa kanila. Hindi ‘yung kami na lang ng kami. Hindi sa nagrereklamo kami na napapagod kami, pero kapag ganoon ang nangyayari matutuwa ka bang pinagtatawanan ng ibang tao ang boyfriend mo at tutuksuhing “ander” at “takusa”?
14. Ang pangarap naming mga lalaki ay mapakilala sa mga taong malapit sa buhay niya, hindi para angkinin ang isang babae kundi para malaman ng mga taong iyon kung gaano kami kapursigido na mga lalaki na maging kalahating-bahagi sa buhay ng isang babae.
15. Mas magaling kaming magpretend. Alang-alang itong lahat sa pride namin bilang lalaki. Walang masama kung ayaw ibaba kung minsan ng lalaki ang kanyang pride, dahil ito ang bumubuo sa kanyang pagkalalaki. Kapag mag-isa ang lalaki, hindi man kami umiiyak, kayo ang pumapasok sa isipan namin. Hindi narerealize ito ng mga babae kasi sarili nila ang madalas nilang isipin kung tungkol sa relasyon ang pag-uusapan.

Ang araw kong parang gulong.

      Down. Pangit ng simula ng araw ko. Nagpagising ako ng 6am, ginising ako ng 8:20. 8am pa man din ‘yung exam ko. 8-9:30. Jirits talaga kanina. Sinisigawan ko katulong namin kasi isa sa mga ayaw ko ‘yung nagmamadali ako. Lalo nang alam kong sobrang late na ako. Tapos accounting pa man din ‘yon. Kung na-late ako, wala akong makokopyahan. Alam niyo ‘yung ganung feeling? Tapos 8:50 ako nakarating sa school tapos may mga nagtatanong, “Ngayon ka palang ba magte-test?” Pinapahinto pa nila ako, tangina. Gusto kong tanungin din ng “Bakit, nakasabay niyo ba ako kanina? Hindi ba’t papunta palang ako ng room?”
      Up. After 5 mins, tapos ko na agad ‘yung test. Akalain niyong… Anyway, mag-isa lang ako sa loob ng classroom noon tapos nung pagpasa ko ng exam, kinausap ako ni Sir. Pinapapunta niya ako sa school sa Monday dahil may awarding. 3rd place kami [Actually, ako lang kasi butaw ‘yung groupmates ko, kinailangan ko lang sila para makagawa ng team para makasali sa tournament.] sa Stock Exchange sa school. Local lang ‘yung labanan. So 1st place ang isang grupo sa SFU (Southville Foreign University) tapos 2nd place ‘yung isang grupo sa highschool tapos 3rd place ‘yung group “namin”. Tapos may cash din daw ‘yon. Wow, syempre, wala akong kahati doon kasi pumayag silang akin lang ‘yung prize dahil wala naman silang balak doon, e.
      Down. Tapos kailangan naming magpasa ng MP o machine problem para sa programming naming nakakatamad na kailangang gumawa ng program na nagsusukli/coin problem na may $5, $1, quarterdimenickel, atpenny tapos magi-input ka ng Amount purchased at ‘yung cash na binayad mo tapos sasabihin ng program kung magkano sukli mo at kung ilang $5, $1,quarterdimenickel penny ang kailangan mo para sa sukli. Kunyari, $36 ang binili mo tapos $50 ang pinangbayad mo, sasabihin ng program na $16 ang sukli at kailangan mo ng tatlong $5 at isang $1.
      Up. Magpasa pala ako ng MP namin o hindi, pasado padin pala ako. Pinakita grades namin, e. Magpasa man ako o hindi, pasado padin ako pero kailangan daw talaga magpasa kasi kung hindi, incomplete at may plus din daw ‘to sa grade. Basta importante, pasado padin. Hinatid din ako pauwi ng kaibigan ko kaya nakalibre din ako sa trike. P45 din ‘yon, no.

Kabataan ngayon. Este, kanina.

Kanina, bumaba ako para pumuntang canteen para bumili ng Milk tea. Habang nakapila ako, may mga grade school students doon na pinaguusapan nila ‘yung kanilang mga iPhone. Ako naman parang, “Wow ha. Ako nga C3 lang, e. 2.2k naman load ko. Salpak ko sa inyo iPhone niyo, mga bata.” De pero kung iisipin nio, grade school? Iphone? Ikakamatay ata nila ng maaga ‘yan kung hindi sila magiingat, e. Noong grade school days ko, parang Alcatel ata CP ko taos 3210 na nakaw pa habang nagco-computer ako. Naka-8 ata ako o kung ilan. Laging nasisira o nawawala o nananakaw. Hindi naman ako sa naiinggit sa mga bata, pero una unahan lang ‘yan. 
Pag akyat ko sa 2nd floor, bumalik ako sa laptop, iniwan ko lang kasi. E kung nanakaw ‘yon? Charot. Pag balik ko doon, may tatlong kaklase ako na lumapit sa akin. Sabi nila, may makita sila kanina na high school student na naka iPhone 4—
Nandito na ‘yung pinadeliver ko. Umayan na ‘to! Ako lang mag-isang kakain. How sad. Salpak ko sa monitor ko ‘yung mga manghihingi ah?
—Yung kanyang iPhone 4S daw sabi ng mga kaklase ko. Hindi pa nga nilalabas ata iPhone 4S e or kung nilabas na, sa ibang bansa palang at siguro, pinadala lang sa kanya. Pinagmamayabang daw niya. Talagang nilalabas niya tapos papansin ng papansin at naglalakad. Naku jusko, ikakamatay mo ‘yang bata ka. Ako hihintayin ko pa ‘yung 4S dito sa Pilipinas bago bilhin e. Mukhang maganda naman at sulit.

Zombie Apocalypse.

      Hinanda ni Ate ‘yung hapunan ko. Umupo na ako sa upuan at umalis na siya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam at feeling ko lang naman na bigla siyang tatalon sa likod ko at bigla niya akong ngangatngatin. Ay, zombie ka te? Minsan, kahit 3am na tapos naglalakad padin ako sa loob ng village, feeling ko ‘yung mga madadaanan kong tao, handa na akong kagatin o biglang magiging demonyo na susugurin ako. Syempre, iniintindi ko ang mga tinuro sa akin noong nagYaw-Yan ako. May self defense ako, para kung sakali… Actually, para sa frat ‘to dati kasi baka may gawin sa akin, syempre, may panglaban ako. Pinaghahandaan ko padin ang araw na mapupuno ng zombie ‘to. Ewan ko. May 1% chance akong nararamdaman. Kung lahat naman, posible.

      Malay mo, may Mad Scientist na gustong sakupin ‘yung mundo at gagawa siya ng sarili niyang horde ng zombies. Wala silang pinagkaiba sa magnanakaw o holdaper. Kung mga ganung bagay nga, kaya nilang isipin at gawin, mga Mad Scientist pa kaya? Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, edi wag. Pilitan? Gusto lang naman ng mga Zombies daw ay brains. E paano ‘yan, kung titignan natin, hindi lahat meron? Kawawa naman sila! Pero ang pagkakaalam ko, gusto lang nila ng flesh o kahit ano. Zombie na nga lang, choosy pa?

      Kung magkakaroon ako ng weapon sa dadating na Zombie Apocalypse, ok na sa akin ‘yung baseball bat. Hindi ako mahilig sa ranged weapons. Gustuhin ko man magsword, wala akong karanasan. Nakahawak na ako, pati kendo, kaso hindi pa ako tinuturuan. Baseball player ako sa Beda noong HS no. Ewan ko nalang kung may baseball padin ngayon. May paddle sa frat… At naging officer ako sa C.A.T., tinuruan din kami mag-arnis. Nauna na ako sa activity dati, nag-arnis na ako habang kumakain sila ng lunch. Natutuwa kasi ako, e. Basta ako, ready na ako. Sino kaya makakasama ko sa Zombie Apocalypse? May skills na ako sa hampasan, nagYaw-Yan na din ako if ever kailanganin ko.

Retreat.

Isang gabi, may dalawang magkaibigan sa isang kwarto. Alas dos na ng umaga, wala pa silang balak matulog. Tapos biglang may umiiyak na babae sa kabilang kwarto. Nagtaka yung dalawang lalaki. So kinatok nila yung kabilang kwarto...
Boys*knock knock knock* Ate, pwede po bang pakihinaan 'yung boses nila? Medyo madaling araw na po, e. Salamat.

Tumahimik ang babaeng umiiyak. Inaantok na 'yung dalawang lalaki nang umiyak ulit ang babae. Nairita 'yung isa, nilakasan ang pagkatok ng pader.

Boys*knock knock knock* Ateeee! Maawa na po kayo, maaga pa po kaming gigising bukas. Kailangan na po namin matulog. Medyo po pakihinaan nalang po ang boses nila. Salamat!

Tumahimik ulit yung babae. Nakatulog na sila at nagising ng mga bandang alas tres dahil sobrang humagulgol na talaga 'yung babae sa kabilang kwarto. Hindi na natiis ng dalawa at lumabas sila ng kwarto. Kinatok ng malakas 'yung pinto at sinisigawan na ng "ATE! ATE! ATE!" pero patuloy padin siyang umiiyak. Sumilip nalang sila sa susian o sa keyhole para makita kung ano ang nangyayari. Nguni't ito lang ang nakikita nila...

Nakakapagtaka. Pero nung sumilip sila, tumigil ang pagiyak. Tsaka sila bumalik ng kwarto at nakatulog na.
Kinabukasan, itinanong nila sa mga nagbabantay ng retreat house kung ano meron sa babaeng 'yon. Sa katabing kwarto nila, Room 665. Dati daw, may ikinulong na babae diyan. Ikinulong ng kanyang magulang noong bago pa maging retreat house 'yon. Sabi ng dalawang lalaki... "Maari mo bang sabihin sa amin kung ano itsura nung babae?"
Inexplain naman ng nagbabantay.
"Maganda siya. Maitim ang buhok. Sabi daw nila, maputi daw siya. At...pula ang mata.

Ginusto mo 'yan, di ba?


Gusto mo maging singer? Punta ka ng mga workshop, mag voice lessons ka, magpractice ka, kumanta ka. Gusto mo maging top 1 sa klase niyo? Mag-aral ka ng mabuti, gawin mo lahat ng dapat mong gawin, lagi kang pumasok. Gusto mo maging kargador sa barko? Mag-apply ka, magbuhat buhat ka, magpalakas ka at kung ano pa man para kayanin mo ang pagbubuhat ng mga bagay bagay. Gusto mo maging basketball player? Practice ka magbasketball, maglaro laro ka kasama mga kaibigan mo o hindi mo kilala, magwork out ka o cardio mo. Gusto mo maging magaling na taga payo? Maging sensitive, i-kwento mo ang karanasan mo kung meron man, sabihin mo ang positive at negative na pwedeng mangyari.
Ang point ko? Ikaw ang kumilos para sa sarili mo. Kung gusto mo, edi gawin mo. Kung nais mo ay bagay na hindi mo pa nakakamit, e di gumawa ka ng bagay na hindi mo pa nagagawa. Libre mangarap, mangarap ka na kung ano gusto mo at gawin mo ang mga bagay na gusto, dapat at kailangan mong gawin. Sabi nga nila, kung gusto mo, may paraan. Tulad nalang na kung gusto mo maging singer, kaso wala kang pambayad para sa mga voice lesson na ‘yan… E di magtrabaho ka para doon kung gusto mo talaga.
Gusto mo maging mabuting mamamayan? Gusto mong umunlad ang bansa? Posible naman. Simulan mo muna sa sarili mo ang pagbabago. Tulad ko na kung hindi ako nagbago, siguro nagdo-dota padin ako at hindi pumapasok, baka nga hindi ko pa ‘to tinatype ngayon e o hindi ko malalaman ‘yung Tumblr. Tulad nga ng sinabi ko sa Pointless post ko na hindi ka makakabuo ng piso kung wala kang isang daan. Lahat ng malalaking bagay ay nagsimula sa maliliit na bagay tulad din ng ikaw at ang pagkakaroon mo ng cells sa katawan.