Search This Blog

Showing posts with label pagkain para sa utak. Show all posts
Showing posts with label pagkain para sa utak. Show all posts

Saturday, October 8, 2011

Ang mga lalaki.

1. Moody, pero hindi pinapahalata, kasi ayaw namin na maging malungkot pa ang ibang tao sa paligid namin dahil sa kalungkutan namin.
2. Ayaw namin ng nanlalambing, hindi dahil sa tinatamad kami o may nagugustuhan kaming iba, dahil alam naming masama kapag napasobra kami, masyado kayong kumukulit lalo.
3. Sinungaling. Oo sabihin na nilang kami ang pinakamasamang uri ng tao sa mundo pero ginagawa lang naman namin ang pagsisinungaling na ito para maiwasan na masaktan ang inyong mga damdamin. Kung minsan, hindi na lang namin pinapansin kung ano ang nakita namin, para wala ng masyadong usap.
4. Kawawa lalo na sa text lalo na kapag may ginawa daw kaming mali kahit hindi naman namin alam. Dapat kasi, intindihin din sana ang side ng mga lalaki.
5. Mas seloso kami. Natural makikipag-usap kami sa ibang babae, hindi maiiwasan ‘yon. Ang hindi lang alam ng mga babae, kapag may kausap na iba ang mga girlfriend nila, kahit ba babae din ‘yon ay nagseselos rin ang mga lalaki. Babae lang ba may karapatan magselos? Selfish din kami. Hindi lang siguro natural na showy o masalita ang lalaki sa ganyang bagay.
6. Hindi magaling magtago ang mga lalaki. Kung magaling, e bakit nakakapagbigay kayo ng pagseselos? Ibig sabihin may hint na lumabas. Oo sabihin na nating ang puso ninyo ay sa amin lang kahit makakita kayo ng 1M na mas gwapong lalaki, may chance pa rin na sa 1M na ‘yon, may isa din dun na mapupukaw ang atensyon mo. Magaling lang kayo magtago.
7. Pinagmamalaki namin ang mga babae sa buhay namin sa harap ng maraming tao kasi ‘yon ang gusto nila, e. Sunud-sunuran lang kami, wag lang magkaroon ng away. Kung kami tatanungin, mas gusto namin na ipagmalaki sila ng hindi nila alam — di dahil gusto namin manglandi ng iba. Gusto namin i-preserve ang babaeng iyon para lang sa amin.
8. Ayaw namin sa mga nililigawan namin ng ubod ng tagal. Nagmumukhang paasa. Pero sa totoo naman paasa lang naman talaga silang lahat sa umpisa. Gusto kasi nila may marinig muna bago kami kilalanin.
9. Kapag maingay kami, sumabay kayo. Gusto namin ng masayang buhay, at ang pagtawa man minsan ay nagsisilbing panandaliang paglimot sa aming mga problema. Gusto namin sa hirap at ginhawa nandiyan ang mga babae, kailangan man ng yakap o ano, basta ang gusto namin kasama lang sila. Tapos.
10. Gustong gusto namin ‘yung mga babaeng malaki ang respeto sa amin, at sa paraang iyon ay rerespetuhin din naman namin sila at ibibigay ‘yung kiss on the forehead na gustong-gusto nila. Tandaan ninyo sanang kung makakagawa man kami ng kaimoralidad sa inyo, siguro dahil nagbibigay kayo ng pagpayag na gawin namin iyon, direct or indirect man.
11. Ang nagpapa-turn on samin ay ‘yung babaeng kayang tumayo sa sarili nilang paa. Ayaw namin ng mga pa-baby effect kasi nakakainis. Ang gusto namin ay ‘yung makakasama sa paglalakbay, hindi ‘yung kailangan mula simula kami ang aalalay.
12. Ayaw namin sa mga babaeng pakipot sa text. Kung mahal ninyo kami, sabihin ninyo. Nakakainis. Para bang alipin ang tingin sa amin — ‘yon pa naman ang ayaw namin.
13. Sobra kaming natutuwa sa mga babaeng nag-eeffort din: kasi nakikita naming naaappreciate lalo ng mga babaeng ganoon ang effort na ginagawa namin para sa kanila. Hindi ‘yung kami na lang ng kami. Hindi sa nagrereklamo kami na napapagod kami, pero kapag ganoon ang nangyayari matutuwa ka bang pinagtatawanan ng ibang tao ang boyfriend mo at tutuksuhing “ander” at “takusa”?
14. Ang pangarap naming mga lalaki ay mapakilala sa mga taong malapit sa buhay niya, hindi para angkinin ang isang babae kundi para malaman ng mga taong iyon kung gaano kami kapursigido na mga lalaki na maging kalahating-bahagi sa buhay ng isang babae.
15. Mas magaling kaming magpretend. Alang-alang itong lahat sa pride namin bilang lalaki. Walang masama kung ayaw ibaba kung minsan ng lalaki ang kanyang pride, dahil ito ang bumubuo sa kanyang pagkalalaki. Kapag mag-isa ang lalaki, hindi man kami umiiyak, kayo ang pumapasok sa isipan namin. Hindi narerealize ito ng mga babae kasi sarili nila ang madalas nilang isipin kung tungkol sa relasyon ang pag-uusapan.

Friday, June 24, 2011

Tabula Rasa.

Hindi mo pwedeng sabihan ng bobo ang isang estudyante kung mababa ang grades niya, parehas lang din naman kayo nagaaral. Kaya kayo nagaaral para magkaroon ng kaalaman. BOBO ka din dati dahil hindi mo pa nalalaman ang mga dapat mong malaman. BOBO TAYONG LAHAT DATI dahil blangko pa ang isipan natin nung pinanganak tayo. Matalino ang tawag sa mga taong madami nang naisulat sa papel.
Utak = Papel
Kaalaman = Sulat
Pinanganak tayong walang nakasulat sa papel. Hindi bobo ang konti palang naisulat sa papel dahil siguro, hindi pa nila natututunan ang mga bagay na natutunan mo na.
Magpasalamat sa lahat ng bagay dahil may mga bagay na hindi porket nasa iyo, ibig sabihin para sa iyo.
Meron ka ding mga bagay na wala ang iba, at meron din silang mga bagay na wala ka. Quits lang(?)
Kung papatuloy mong hahanapin ang kulang, paano ka makukuntento?May mga taong “sana” ng “sana”, pero dapat nga nagpapasalamat nalang tayo dahil may “buti nalang”.
Kailangan - Gusto
Kailangan mo ng iPhone 4 (kahit hindi naman) dahil sa pwede ka na magtext, call, applications na kailangan mo.
Gusto mo ng iPhone 4 dahil sa uso ito at para lang masabing meron ka. 
Gamitin nalang natin sa tama ang mga bagay na meron tayo. Dahil hindi natin malalaman kung gaano ka-importante pala ang isang bagay pag wala na ito. Magpasalamat tayo kahit sa mga maliliit na bagay lamang.

"Pati ba naman 'yun?"

Lahat nalang pipiliting pansinin para lang makahanap ng butas para lang mapatunayang hindi perpekto ang isang tao. Oo na kasi, hindi ako/tayo perpekto. Hindi ka magiging masmabuting tao kesa sa akin kung bibilangin mo lahat ng pagkakamali ko dahil sa rason na nagkakamali ka din. Sino ka ba naman para husgahan ako?

Bakit ganyan ang mga tao? Pag dinistribute na ang test paper, bukod sa score, unang titignan natin ang mga pagkakamali. Pag nagkamali, ano ginagawa? "Ahhh, ito pala sagot, ngayon alam ko na. Para sa susunod, hindi na ako magkamali." Nagiging mali padin ang pagkakamali kung hindi mo ito itatama, wala kang natutunan o hindi mo gagamitin ang iyong karanasan. Halos o lahat naman tayo hipokrito siguro, wag kang humindi dahil magiging isa ka din.

Friday, December 17, 2010

"Bakit ang mga lalaki, manloloko?"

Pwes, ako hindi. Katunayan pa nga niyan, ako pa yung naloko eh. Hindi lang lalaki ang nanloloko. Depende na sa tao yan. Walang kinalaman ang kasarian sa ugali ng isang tao.
“Ayaw mong masaktan? Wag mag-expect. Wag mag-assume.”
Sabi pa nga nila, kung magmamahal ka, wag mo ibigay ang lahat dahil pagdumating ang panahon na iiwan ka din niya, wala nang matitira para sa sarili mo.
“Ang tiwala ay parang papel. Konting lukot lang, kahit anong pagayos mo, hindi na siya mababalik sa dati.” 
Kahit naniniwala ka sa isang tao, hindi mo padin alam kung katotohanan ang sinasabi nila. Basta ikaw, naniniwala ka lang…which is, parang mali naman. Ikaw na nga tong nagbibigay ng tiwala sa tao, sila pa sisira. Parang nagbigay ka ng regalo tapos sinira lang nila.
“Walang manloloko kung walang magpapaloko.”
Bakit, sasadyain mo bang magpaloko? Maloloko ka lang naman kung naniwala ka eh. Kung hindi ka naniwala, hindi ka maloloko. Ganun lang.