Search This Blog

Thursday, June 30, 2011

Preview.

Sa mga hindi pa nakakabasa ng καιρός: [1]GisingLink
καιρός: [2]Pagsubok
      "Hindi ka nagtitiwala sa tatay mo, anak?" tanong sa akin ni Itay. Naku, baka nainis siya sa sinabi ko sa kanya kanina. Labing walong taon na kami magkasama ni Itay tapos ganun nalang nasabi ko? "Hindi naman sa ganun, ita-- Itay! Ano ginagawa mo?! Bumaba ka diyan!" Umaakyat ng poste ng Meralco si Tatay at bitbit ang unicycle. "Anak, tignan mo ako mabuti. Pinagkakatiwalaan mo ba ako? Naniinwala ka bang kaya ko tong tawirin gamit ang unicycle tulad ng mga nakikita mo sa circus?" Wala akong masagot sa tatay. Siguro naniniwala at nagtitiwala ako sa kanya dahil tatay ko siya, hindi dahil sa stuntman siya o taga-perya.
      Nagsimula nang gumulong ang mga gulong ng unicycle niya. Wala siyang mahabang patpat para mabalanse ang kanyang timbang. Ako ang kinakabahan sa kanya pero nawala din 'yun sa kalagitnaan ng wire. Naka-abot siya sa dulo...sa awa ng Diyos.
Itay: Naniniwala ka ba sa akin?
Ako: Oo.
Itay: Ngayon, pinagkakatiwalaan mo na ba ako?
Ako: Oo.
Itay: 'Yung totoo?
Ako: Oo!
Itay: Sa tingin mo bang kaya kong bumalik ulit sa kabilang poste?
Ako: Oo naman!
Itay: Umakyat ka dito at sumampa ka sa akin!
Ako: Huh?
      Napangiti nalang si Itay. "Maaaring naniniwala ka sa akin, pero hindi ka nagtitiwala sa akin. 'Yan problema ng halos lahat ng may problema sa relasyon at kung saan man. Siguro, naniniwala ka sa akin dahil kaya kong gawin 'yung mga ginagawa ko...pero hindi ka sa akin nagtitiwala mismo. Para saan pa?" Ang sabi ni Itay. Lasing na naman siguro siya dahil parang si Bob Ong na naman magsalita. Pero mukhang seryoso siya eh...

No comments:

Post a Comment