Search This Blog

Friday, December 17, 2010

Wala kang mapupuntahan kung wala kang balak umalis.

Paalam mga kapatid, ngunit hindi alam kung kailan ang alis.
Paalam mga kapatid, ako muna’y maglilinis.
Maglilinis ba kamo? Maglilinis ng aking pagkatao.
Hindi ko alam kung kailan ang alis, hindi ko din alam kung kailan ang balik ko.

Aalis ako, paalam ko’y ito na.
Sa susunod, aalis nalang ako bigla bigla.
Kaya wag na kayo magugulat, aking tunay na mga kaibigan
Na si Pilosopo Gyno ay bigla nalang nang-iwan.

Madami akong natutunan dito ngunit hindi pa sapat,
Hindi lang dito pwedeng matuto, hindi lang dito ang lahat.
Wala kang mapupuntahan kung wala kang balak umalis,
Tanong ko sayo aking kaibigan, habang buhay ka nalang ba magtitiis?

Sabi nga nila, walang permanente sa mundong ito,
Kaya habang nabubuhay, gusto ko din magbago.
Hahanapin ko muna ang ibig sabihin ng “buhay”,
Salamat sa mga kaibigan ko dito at sa mga kaibigan ko ditong tunay.

No comments:

Post a Comment